ANG BATANG MATIBAY AWARDS
Ang Batang Matibay Awards ay binuo ng BEAR BRAND Fortified, kaagapay ang Department of Education, upang kilalanin ang mga katangi-tanging mag-aaral na nagpapamalas ng TIBAY sa pag-aaral at TIBAY sa buhay.
Ang mga Batang Matibay ay mga mag-aaral mula Grade 5 at Grade 6 na nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kanilang pamilya, paaralan at komunidad, sapagkat sa kabila ng mga hamon at hirap ng buhay, sila ay buong pusong nagpupunyagi upang matuto sa paaralan. Dahil sa kanilang taglay na TIBAY ng katawan, isipan, at kalooban, nagpapakita sila ng determinasyon at positibong pananaw upang makatulong sa pamilya, magsilbing lider ng kabataan at makapagtapos ng pag-aaral para sa magandang kinabukasan.

WINNERS
BATANG MATIBAY 2019 AWARDEES

Lomopog Elementary School
Midsayap, Cotabato
Hindi nagsisilbing hadlang ang digmaan sa pagitan ng mga rebelde at Philippine Army upang makapag-aral si Suhel, kahit kinailangang apat na beses nang maglipat-bahay ang pamilya niya. Araw-araw, naglalakad si Suhel ng higit isang oras papuntang paaralan at minsa’y sumasakay pa ng bangka kapag tag-ulan. Kailan lamang, noong may naganap na barilan ng mga rebelde at sundalo malapit sa kanilang paaralan, si Suhel ang siyang nanguna sa kanyang mga kaklase at guro upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
MARK WILSON Q. ALLADO

San Fabian Integrated School
San Fabian, Pangasinan
Mula noong Grade 3 si Mark, ibinadya na niya ang mga responsibilidad ng kanyang nag-abandonang ama. Naglalakad siya ng higit sa tatlong kilometro araw-araw upang makapasok sa paaralan, at pagkatapos pumasok ay tumutulong siya sa pag-aalaga ng baka at kambing ng kanyang mga kapitbahay upang kumita ng kahit kaunting halaga. Kahit kapos sa pera, sinisikap niyang mag-aral nang mabuti at maging aktibo sa mga tungkuling pangpaaralan upang makamit ang pangarap niya na maging inhinyero.
Jecil F. Chua

Caranan South Elementary School
Pasacao, Camarines Sur
Ilang beses na siyang sinabihan ng kanyang ina na tumigil sa pagpasok sa eskwela, ngunit patuloy pa rin si Jecil na nagpupursigi sa pag-aaral. Dahil hikahos sa buhay, pumapasok siya na may dala-dalang paninda, tulad ng banana cue, lumpia at popcorn, na kanyang inilalako sa mga kamag-aral at guro. May mga pagkakataong din na siya ay nag-aayos at naglilinis ng mga lambat para may dagdag pambili ng pagkain ang kanyang pamilya. Handa siyang magsakripisyo at gumawa ng paraan yung makamit ang pangarap niyang maging guro.
Lindsay C. Cortez

Rodrigo D. Mabitad Sr. Elementary School
Panabo City, Davao del Norte
Si Lindsay at ang kanyang pamilya ay nakatira sa may garbage dumpsite na walong kilometro ang layo mula sa kanyang eskwelahan. Sa kabila ng hirap ng paglalakad araw-araw, aktibo siya sa mga extra-curricular activities, nananalo sa mga paligsahang pangpaaralan, at nagsisilbing lider at huwaran sa kanyang mga kaklase.
Pauline L. Padilla

Morente Elementary School
Bongabong, Oriental Mindoro
Pitong gulang lamang si Pauline nang siya ay iniwan ng kanyang mga magulang, at ngayo’y nakatira siya sa kanyang lolo at lola kasama ang dalawang nakababatang kapatid. Araw-araw, binabaybay niya ang humigit-kumulang limang kilometrong lakad sa bundok at ilog papuntang eskwela, at minsa’y wala pang laman ang tiyan niya. Kapag may gastusin para sa eskwela, nagyayasyas siya ng tingting upang makabuo ng walis na ibebenta. Bagama’t lumaking walang magulang, si Pauline ay lider sa paaralan at responsable sa kanyang pag-aaral, at nangangarap na maging guro upang mapagtapos din niya ang kanyang mga kapatid.
Jeremy J. Palma

Tangan-Tangan Elementary School
San Jose, Tarlac
Dahil ulila sa ina, naipasa kay Jeremy ang responsibilidad na alagaan ang kanyang dalawang kapatid. Kapag ang kanyang ama ay nasa palayan o nasa bundok upang mag-uling, isinasama ni Jeremy ang kanyang bunsong kapatid sa pagpasok sa eskwelahan. Kahit mabigat ang mga responsibilidad na naiatang sa kanya, patuloy siyang nagsusukikap at nangangarap na maging isang pulis upang makatulong sa kanilang pamilya.
Aracely P. Paner

Tambangan Elementary School
Bulalacao, Oriental Mindoro
Panganay sa pitong magkakapatid, si Aracely ang tumatayong ama at ina kapag wala ang kanyang magulang upang mag-uling o magkaingin. Ang mga magulang nya ay hindi nakatungtong ng paaralan at kahit pangalan nila ay hindi maisulat. Araw-araw, maagang gumigising si Aracely upang maghanda ng kung anumang pagkain na mayroon sila bago maglakad ng isang oras papuntang eskwela na walang dalang baon. Gayon pa man, responsable pa rin siya sa kanyang mga tungkulin sa pag-aaral at sa kamag-aral niya bilang lider ng kanilang klase.
Ian D. Quinto

Lalaan Central School
Silang, Cavite
Tuwing Sabado at Linggo, tumutulong si Ian sa kanyang ama bilang laborer sa construction site, nagbubuhat ng hollow blocks at semento sa kainitan ng araw, upang makatulong sa mga gastusin sa bahay. Sa kabila ng pagod at sakit ng katawan, sinisikap niyang mag-aral nang mabuti at laging siyang maasahan na gampanan ang kanyang mga tungkulin sa paaralan. Pangarap ni Ian na maging pulis paglaki nya, upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.
Otoy G. Suligan

Mirayan Elementary School
Gloria, Oriental Mindoro
Miyembro ng Tribong Bangon, si Otoy, panganay sa apat na magkakapatid at ulila sa ina, ang siyang tumatayong magulang sa kanyang mga kapatid. Kahit sadlak sa kahirapan ang kanyang pamilya at kailangang niyang maglakad sa ilog at bundok ng halos dalawang oras papuntang eskwelahan, walang makahahadlang kay Mark upang abutin ang kanyang pangarap na maging isang guro, sapagkat nais niyang ibahagi ang karunungan sa kapwa katutubo.
Jhon M. Vito

Amado V. Hernandez Elementary School
Tondo, Manila
Sa kabila ng kanyang kapansanan, hindi ito nagiging hadlang kay Jhon upang makapag-aral. Kahit walang naghahatid sa kanya, kahit noong nasira ang kanyang wheelchair at kahit walang baon at anim na oras na hindi kumakain, masigasig pa rin siyang pumapasok sa eskwela. Sabi niya, “Kahit pilay ako at hindi makalakad ay magtatapos ako ng pag-aaral alang-alang sa aking ina at maliit na kapatid.”