About Micronutrient Deficiency

Ano ang Micronutrient Deficiency?

Ano ang Micronutrient Deficiency?

Ang micronutrient deficiency ay isang uri ng malnutrisyong nagsisimula sa kakulangan ng micronutrients. Ito ay ang mga sustansyang kailangan ng katawan sa kaunting dami para makumpleto ang sapat na nutrisyon. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay Iron, Zinc, at Vitamin C.

Micro man o maliit ang dami na kailangan ng mga bata, pwedeng magkaroon ng malaking epekto sa brain development, resistensya, at iba pang functions ng katawan ang pagiging deficient o kakulangan sa mga ito.

Sino ang apektado ng Micronutrient Deficiency?

Sino ang apektado ng Micronutrient Deficiency?

Ayon sa DOST-FNRI 2013 National Nutritional Survey:

8 out of 10 ng mga mag-aaral ay kulang sa Iron
3 out of 10 ng mga mag-aaral ay kulang sa Zinc
7 out of 10 ng mga mag-aaral ay kulang sa Vitamin C

Ang kakulangan sa Iron ay maaaring maging sanhi ng mababang konsentrasyon, madaling panghihina, at mababang resistensya. Kung Zinc naman ang hindi gaanong nakukuha ng katawan, mababa ang immunity, kulang sa tamang paglaki, at nakakawala ng ganang kumain. Ang pagiging sakitin ay maaaring maging sanhi ng kakulangan sa Vitamin C.

Bakit nagkakaroon ng Micronutrient Deficiency?

Bakit nagkakaroon ng Micronutrient Deficiency?

Nakasanayan na nating mga Pilipino na punuin ang ating mga plato ng kanin o tinapay, pansit, hotdog, at ilang piraso ng karne. Ang mga ito ay sagana sa fats, protein, at carbohydrates – tinatawag na macronutrients. Ngunit para magamit ng katawan ang macronutrients, kailangang mapunan ang mga kulang na micronutrients. Ibig sabihin, kahit maraming kinain ang bata, hindi ito sapat. Kahit mabigat ang timbang, posible pa ring magkaroon ng micronutrient deficiency. Dahil nakagawian na ito, posibleng nabubusog na ang mga bata sa mga pagkaing ito. Kung laging ganito ang kinakain ng mga bata, maaaring magkulang sila sa micronutrients!

Hidden hunger ang isa pang tawag dito – siksik man ang katawan kung titingnan, kulang pala sa sustansyang nilalaman.

Kanin, noodles, mais, karne, manok, at isda, gatas at keso, itlog, mani at butong gulay, iba pang mga prutas at gulay, mantika at mantikilya, at iba pang masustansyang pagkain – kung hinahain niyo ang lahat ng mga ito, makakatulong ito upang makuha ang micronutrients na kailangan niya tulong para maging magana, matangkad, masigla, at matibay sa buhay!

Kaya lang, hindi natin laging nababantayan ang kinakain ng mga bata, lalo na kapag nasa school sila. Pwedeng hindi sila nakakakain ng healthy food kapag wala sa bahay. Problema rin kung mapili sila sa pagkain.

Kapag kulang sa micronutrients mula sa mga pagkaing nabanggit, maaaring magkulang sa Iron, Zinc, Vitamin C, at iba pang vitamins at minerals ang kanilang katawan. Ito ang tinatawag na micronutrient deficiency.

Ano ang dapat gawin para maiwasan at solusyunan ang Micronutrient Deficiency?

Ano ang dapat gawin para maiwasan at solusyunan ang Micronutrient Deficiency?

Ang balanse at kumpletong daily diet ay isang solusyon sa micronutrient deficiency. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute ng DOST, kalahati ng plato ay dapat naglalaman ng mga prutas at mas maraming gulay para sa tibay-resistensya. One-sixth naman ng plato ay dapat mayroong mga pagkaing sagana sa protein gaya ng karne, manok, baboy, gatas, at itlog. Para naman ito sa tibay-lakas. Ang natitirang bahagi ay para sa mga pagkaing kailangan para tibay-lakas, gaya ng kanin, cereals, at grains.

Dagdag sa tama at balanseng pagkain, dapat ding makakuha ng sapat na pahinga ang mga kabataang mag-aaral. Ayon sa mga eksperto, 8 hanggang 10 oras ng tulog ang kailangan ng kanilang mga katawan araw-araw.

Bukod dito, ang pagpapainom ng isang baso kada araw ng fortified milk gaya ng Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink ay maaaring makatulong sa pagdagdag ng sustansyang kailangan ng mga bata - tulong upang sila ay may TIBAY araw-araw!

Footer Bear Brand Fortified

Ang Tibay Calculator ay binuo mula sa 2013 National Nutrition Survey ng DOST-FNRI.

Footer Bear Brand Fortified